umanaw na sa edad na 90 si Luis Jalandoni, senior political consultant at miyembro ng executive committee ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ayon sa Communist Party of the Philippines (CPP).
Ayon sa CPP, pumanaw si Jalandoni noong Sabado, 9:05 ng umaga sa Utrecht, Netherlands — alas-3 ng hapon, oras sa Pilipinas, kasama ang kanyang pamilya, asawa nitong si Ka Coni, at mga kasamahan.
Dating nagsilbi si Jalandoni bilang chief negotiator ng NDFP, ang political wing ng CPP, sa mga negosasyon sa gobyerno na naglalayong wakasan ang matagal nang communist insurgency sa Pilipinas.
Bago matapos ang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2022, idineklarang terorista ng Philippine Anti-Terrorism Council (ATC)
si Jalandoni kasama ang lima pang mga pinaghihinalaang miyembro ng CPP.