-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng working visit sa Estados Unidos si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, kung saan makikipagpulong siya kay Secretary of State Marco Rubio at kay United Nations (UN) Secretary-General Antonio Guterres sa Hunyo 9 at 11.

Makikipagkita si Manalo kay Rubio sa Hunyo 9 sa Washington D.C. upang talakayin ang “matters of mutual interest.” 

Matapos nito, babiyahe ang kalihim patungong New York, kung saan magsisilbi namang pangunahing tagapagsalita si Manalo sa pagdiriwang ng 127th Philippine Independence Day at sa isang kaganapan sa ilalim ng Conference of States Parties to the Convention on the Rights of Persons with Disabilities.

Inaasahan ni Manalo ang pakikipagpulong kay Guterres sa Hunyo 11. 

Sa huli, sinabi ni Manalo, sa kanyang offiicial meeting sa New York, pagtitibayin ng kalihim ang matatag na paninindigan ng Pilipinas — bilang isa sa mga founding member ng United Nations — na manatiling aktibong kalahok sa lahat ng talakayan upang suportahan ang UN at makipagtulungan sa mga kasaping bansa para sa pandaigdigang pagkilos sa mahahalagang hamon ng ating panahon.