-- Advertisements --

Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko na magkakaroon umano ng lockdown sa Metro Manila dahil sa kaso ng mpox.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Albert Domingo na kahit na nagtala ang National Capital Region ng maraming kaso ng mpox ay lahat aniya ng mga ito ay patuloy na bumababa kada buwan.

Dagdag pa nito na kanilang natukoy na ang kinaroroonan ng mga may mpox kung saan ang mga ito ay naka-isolate na at nagpapagaling na ang iba.

Dahil sa nasabing insidente ng paggaling ay hindi na dapat tayo mabahala na magpatupad ng lockdown.

Ikinakabahala nila ngayon ay hindi ang virus mula sa mpox at sa halip ay mula sa mga fake news na nagpapakalat na magkakaroon umano ng lockdown sa Metro Manila.