-- Advertisements --

Nagtala ang Brazil ng mahigit na 150,000 na kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Ayon sa Health Ministry ng bansa na sa 150,106 na kasi ay 935 dito ang bagong nasawi.

Paglilinaw pa nito na ang 92,614 na kaso ay naitala sa Rio de Janeiro noong pang nakaraang buwan na ngayon lamang naisama sa kanilang official tally.

Hindi aniya ito nakasama noon dahil sa ginawang pagbabago sa federal case counting system nila.

Sa ngayon ay mayroong mahigit 590,508 coronavirus na ang nasawi at 21.2 milyon na kasong naitala.

-- Advertisement --