Naghahanda na ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa isang Hero’s Welcome para kay Pambansang Kamao Senator Manny Pacquiao.

Ito’y matapos maidepensa ni Pacman ang kaniyang korona ng WBA Welterweight World Champion laban kay Adrien Broner.

Ayon kay AFP chief of staff Gen.Benjamin Madrigal, nais niyang ipakita sa Senador ang buong suporta sa kaniya ng Militar na nagdala ng karangalan sa Sambayanang Pilipino.

“We, at the Armed Forces of the Philippines are one with the whole nation in celebrating another victory by our Pambansang Kamao, Senator and Reserved Army Colonel Manny Pacquiao against Adrien Broner,” pahayag ni Madrigal.