Enes Kanter
Enes Kanter/ IG post

Binatikos ni Boston Celtics center Enes Kanter ang ginawang pag-atake ng Turkey sa mga Kurdish forces sa northern Syria.

Partikular na kinondina ni Kanter si Turkish President Recep Tayyip Erdogan.

Tinawag nito ang pangulo ng Turkey na walang paggalang sa karapatang pantao.

Itinuturing niya na isang masamang tao si Erdogan na kahalintulad noon ng German lider na si Adolf Hitler.

Dagdag pa ng 27-anyos na manlalaro na may mga kaibigan siyang mga Kurdish at hindi ito titigil sa pagbatikos kahit na may banta sa buhay ang mga kaanak nito.

Dahil sa nasabing pahayag ay hindi na ipapalabas ang NBA sa Turkey partikular na kapag naglalaro si Kanter.