-- Advertisements --

Binabantayan ngayon ng lungsod ng Borongan sa Eastern Samar ang Barangay San Jose at Siha matapos ang ulat ng pagkamatay ng maraming baboy na hinihinalang dulot ng African swine fever (ASF).

Habang inirekomenda ang pansamantalang lockdown sa dalawang barangay upang pigilan ang pagkalat ng sakit. Umabot na sa 127 baboy mula sa 21 backyard farms sa Barangay San Jose ang namatay, habang marami rin ang naiulat na namatay sa Barangay Siha.

Simula Abril 22, ipinagbawal ang pagbebenta, pagbiyahe, at pagkatay ng baboy sa mga apektadong lugar. Isinasailalim din sa masusing pagbabantay ang mga kalapit-barangay gaya ng San Gabriel.

Bagama’t walang panganib sa tao ang ASF, patuloy ang paalala ng mga opisyal na ligtas kainin ang karneng baboy mula sa mga apektadong lugar.

Hinihikayat ang mga magbababoy na maglagay ng disinfection areas at higpitan ang pagpasok ng mga bumibisita sa farm.