-- Advertisements --

Isinailalim sa masusing inspeksyon ng Quezon City Veterinary Department (CVD) at Bureau of Animal Industry (BAI) ang mga lechon establishment sa La Loma bilang bahagi ng pagsusuri ngayong darating na Kapaskuhan.

Screengrab from @QC Government / FB

Kung saan natuklasan na may ilang baboy na nag-positibo sa African Swine Fever (ASF), kaya inirekomenda ang culling at pansamantalang pagsasara ng labing-apat (14) na lechonan noong Nobyembre 12 alinsunod sa rekomendasyon ng BAI, CVD, at City Health Department (CHD).

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na isolated lamang ang ASF sa La Loma at walang banta sa ibang pamilihan. Nagsagawa din ng disinfection ang lungsod para sa mga apektadong lugar at nagtayo ng checkpoints upang kontrolin ang galaw ng mga baboy sa lugar.

Sa kabilang banda itinakda naman ng QC ang dialogue ngayong Huwebes, Nobyembre 13, kasama ang mga may-ari ng letchonan upang talakayin ang kaligtasan, kalusugan, at operasyon ng lechonan.

Mariing iginiit ng Lungsod na sumunod sa health protocols ang mga establishimento upang muling makapag-alok ng de-kalidad na pagkain sa publiko.

Nanawagan din ang lungsod sa publiko na maging mapanuri kapag bibili ng mga pagkain upang maiwasan ang anumang sakit.