Siniguro ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na mayroong sapat na supply ng karne ng baboy at iba pang pork products sa kabila ng import ban sa Spain.
Unang ipinataw ang ban sa mga baboy at karne ng baboy na inaangkat mula sa Spain nitong nakalipas na lingo, kasunod ng outbreak ng African Swine Fever (ASF) sa naturang bansa.
Agad ding ipinatigil ang pag-isyu sa mga sanitary at phytosanitary permits, kasama ang pagbawi sa mga nauna nang inilabas na permit.
Ayon kay Laurel, punong-puno ang cold storage facilities ng bansa para tugunan ang demand sa pork products, lalo na ngayong holiday season.
Lumalabas din sa invetory ng DA na mataas ang bulto ng pork products, at sobra pa para sa tinatayang aabutin ng demand.
Ang Spain ang ikalawang pinakamalaking supplier ng karne ng baboy sa Pilipinas, kasunod ng Brazil.
Hanggang nitong buwan ng Setyembre 2025, umabot na sa mahigit 131,000 metriko tonelada ang inangkat ng Pilipinas sa naturang bansa.
















