Muling tumaas ang presyo ng mga inaangkat na sibuyas, batay sa monitoring ng Department of Agriculture (DA).
Dahil dito, itinaas ng DA ang maximum suggested retail price (SRP) ng imported onions, epektibo ngayong araw.
Mula sa dating P120 kada kilo, aangat na ito sa P150 kada kilo, o katumbas ng P30 na pagtaas.
Paliwanag ni DA Sec. Francisco Laurel Jr., tumaas ang presyo ng sibuyas sa mga bansang nagsisilbing supplier ng Pilipinas tulad ng China, India, at Netherlands.
Samantala, sususpindihin na rin ang importasyon ng sibuyas simula Enero ng susunod na taon.
Ito ay upang bigyang-daan ang pagpasok ng local harvest sa buwan ng Pebrero.
Sa kabila ng pagbabago sa presyo ng red onions, mananatili naman sa P120 ang maximum SRP para sa kada kilo ng puting sibuyas.
















