Hindi maitago ni US President Donald Trump ang kaniyang pagkadismaya sa United Kingdom.
Ito ay dahil sa hindi sila tumutulong sa giyera kontra sa Iran.
Partikular na tinukoy ng US President ang personal na pagkikipagpulong nito kay British Prime Minister Keir Starmer kung saan tumanggi ito na magpadala ng mga kagamitang militar sa Gitnang Silangan.
Ipinagmalaki din nito na ang UK ay siyang mahigpit na kaalyado ng US kung saan maraming ginastos ang Amerika sa North Atlantic Treaty Organizaiton (NATO).
Inamin din ni Trump na wala siyang alam kung buhay pa o patay na ang supreme leader ng Iran na si Mojtaba Khamenei dahil hindi pa ito nagpapakita ng personal mula ng mahalal siya sa puwesto.
Una ng sinabi ni Trump na nasa 90 percent na ang nasira ng US at Israel dahil sa patuloy na pag-atake.
Naniniwala di si Trump na hindi gagamitin ng Israel ang kanilang nuclear weapons sa paglaban sa Iran.















