Mas lalong umiinit ang tensyon sa Thailand-Myanmar border matapos angkinin ng militar ang elected government ng Myanmar noong Lunes at ikinulong si Myanmar state counsellor Aung San Suu Kyi kasama ang iba pang senior leaders.
Nagpadala ang mga otoridad ng tatlong military units sa Tachilek, ang border town na malapit sa Chiang Rai Mae Sai district, hinarangan din ng mga ito ang ilang mahahalagang checkpointd sa lugar.
Sa ilalim ng bagong patakaran na umiiral ay hindi maaaring lumabas ng bansa ang mamamayan ng Myanmar.
Ang Thailand ay nakikihati sa 2,400-kilometer border sa mga katabi nitong bansa.
Lahat din ng communication systems sa nasabing bansa ay pinutol subalit hindi kasali rito ang Tachilek dahil ginagamit nila ang signal mula Bangkok.
Daan-daang truck din na galing Tachilek ang papunta sa Mae Sai kung saan inatasan ang military units ng Thailand na maghanda kung sakali mang magkaroon ng kaguluhan.
Malaking kinakatakutan ngayon ng mamamayan sa Tachilek ang tuluyang pagsasara ng border dahil magreresulta ito sa 1-billion Burmese kyat kada buwan.
Kung mangyayari ito ay lubhang maaapektuhan ang mga negosyo na nasa Myanmar at Thailand, gayundin ang nasa 200 truck drivers.