ILOILO CITY – Na-break ng flagship station ng Bombo Radyo Philippines ang sariling record bilang bloodiest na Dugong Bombo.

Matandaan na noong nakaraang taon, 998 ang mga successful blood donors sa Dugong Bombo 2019.

Ngayong araw, nakapagtala ng 1,200 na mga successful blood donors ang Bombo Radyo Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Passi City Mayor Stephen Palmares, sinabi nito na ang nasabing tagumpay ay bunga ng pagtutulungan ng Bombo Radyo Iloilo, local government unit at Philippine Red Cross.

Napag-alaman na marami pang mga gaganapin na Dugong Bombo sa Iloilo.