Nangailangan pa ng dalawang overtime game ang Meralco Bolts para talunin ang NorthPort 126-123.

Naging malaking tulong sa panalo ang dalawang magkasunod na three-points ni Baser Amer at nakuha ang 8-0 start sa pangalawang overtime.

Sinabi ni Bolts coach Norman Black na isang malaking hamon ang laro para manatili sila sa playoffs.

Ikinatuwa nito ang panalo dahil hindi bumigay ang kanilang mga manlalaro.

Dahil sa panalo ay mayroon na silang 3-5 win-loss record.

Nanguna sa panalo si Chris Newsome na nagtala ng 28 points habang mayroong 23 points si Amer.