Naitabla na sa 1-1 ng Meralco Bolts ang kanilang Best of Seven finals ng Barangay Ginebra 104-102.

Umulan ng 16 na three points ang naging sekreto ng Bolts para makabawi sa pagkatalo nila noong game 1.

Pinangunahan ni Allen Durham ang Bolts na nagtala ng 21 points at 18 rebounds habang mayroong 17 points si Chris Newsome.

Malaking tulong din ang nagawa nina Raymund Almazan na mayroong 15 points habang mayroong 17 points din si Baser Amer.

Nasayang naman ang ginawang 35 points at 11 rebounds ni Justin Brownlee habang 23 points at 10 rebounds naman ang nagawa ni Stanley Pringle para sa Ginebra.