Naniniwala ang Department of Education na malaki ang maitutulong ng mas maraming kalsada patungo sa mga paaralan para hindi mahirapan ang mga mag-aaral , mga guro at mga school personnel.
Dahil dito ay nanawagan ang ahensya sa Department of Public Works and Highways at mga lokal na pamahalaan na patatagin ang kanilang pagtutulungan sa pagtatayo ng mas maraming kalsada lalo na sa mga liblib na lugar .
Batay sa proposal na isinumite ng DepEd sa DPWH, inirekomenda nito na ibilang ang mga kalsada patungo sa mga paaralan sa dating programming and investment plans.
Partikular na tinukoy ng ahensya ang mga bagong tayong paaralan na malayo sa mga kalsada.
Binigyang diin ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang pangangailangan sa pagtatayo ng mas maraming kalsada matapos nitong bisitahin ang mga paaralan na nasa geographically isolated areas.
Aniya, kinakailangan ito upang maging accessible ang mga paaralan sa mga mag-aaral lalo na sa mga malalayong lugar .