-- Advertisements --

Ginulat ng Meralco Bolts ang Magnolia Hotshots 95-94 sa pagsisimula muli ng 2021 PBA Philippine Cup.

Naging susi sa panalo ng Bolts ang buzzer beater shot ni Chris Newsome.

Umabot pa sa 13 points kalamangan ng Magnolia hanggang maibaba ng Bolts ang kalamangan 93-94 na may natitirang 25 seconds.

Hindi kasi kinonsidera ng game officials ang three-point shots ni Mark Barroca matapos na abutan ng 24-seconds shot clock violations.

Sa natitirang 4.3 seconds sa oras ay sinuwerte ang layups ni Newsome para tuluyang maipanalo ang laro.

-- Advertisement --

Dahil sa panalo ay mayroon ng record ang Bolts na limang panalo at isang tao habang mayroong apat na panalo at isang talo ang Hotshots.