-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Bureau of Customs (BoC) na ipapamigay nila ng libre at walang anumang sisingilin na bayad ang nasa 130,000 na mga nakatinggang balikbayan boxes.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, na ang 114 container ay naideklarang abandonado.

Ang nasabing mga balikbayan boxes ay itinago dahil sa hindi pagbabayad ng mga private company na tinatawag na deconsolidator na nagresulta sa hindi paglabas ng mga ito ng mula walo hanggang dalawang taon.

Paliwanag ni Nepomuceno na hindi nabayaran ang mga shipping charges, taxes at duties ng nasabing mga boxes.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na dapat ay ipamahagi bago magpasko ang mga balikbayan boxes sa mga may-ari.