Nasa kustodiya na ng Bureau of Customs (BOC) ang 28 luxury vehicles na pag-aari ng pamilya Discaya.
Ayon sa BOC na isinuko ng Discaya ang karagdagang 16 na mga sasakyan nitong araw ng Huwebes, Setyembre 4.
Ito ay bukod pa sa naunang 12 na mga sasakyan na nakalista sa search warrant na isinagawa nitong Setyembre 2 sa St. Gerrard Construction General Contractor & Development Corp. compound sa lungsod ng Pasig.
Sumailalim ang mga sasakyan sa sealing at documentation at ito ay mahigpit na binabantayan ng mga personalidad ng BOC habang biniberipika ang mga importation records at assessment of duties and taxes.
Una ng inamin ng mga Discayas sa pagdinig sa Senado na mayroon silang 28 luxury habang sa isang vlog ay sinabi nilang aabot sa 40 ang bilang nito.
Magugunitang iniimbestigahan ngayon ang pamilya Discaya matapos na makakuha ng flood control projects na nagkakahalaga ng P31 bilyon mula 2022 hanggagn 2025.