Wala pa ring talo sa tatlong sunod na laro ang Blackwater Elite matapos talunin ang Columbian Dyip 118-110 sa patuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Nanguna si Alex Stephenson na nagtala ng 26 points, 21 rebounds at pitong blocks.

Nag-ambag naman ng 23 points, limang rebounds, limang assists at dalawang steals si Bobby Ray Parks Jr.

Ayon kay Blackwater interim coach Aris Dimaunahan, mahigpit ang bilin niya sa kaniyang mga manlalaro na laging manalo sa sa bawat laro.