Pinatikim ng NLEX sa Blackwater ang kanilang ika-18 sunod na talo 90-73 sa patuloy na 2021 PBA Philippine Cup.

Natapos ng NLEX ang kanilang ikatlong sunod na pagkatalo kung saan mayroon na silang limang panalo at limang talo.

Sinabi ni NLEX head coach Yeng Guiao na mula sa simula ng laro ay nakatutok sila na makuha ang ikalimang panalo.

Nanguna sa panalo si JR Quinahan na nagtala ng 16 points, walong rebounds habang mayroong 14 points si Philip Paniamogan.

Nag-ambag naman ng 12 points, anim na rebounds at dalawang steals si Don Trollano habang mayroong 11 points si Kenneth Ighalo at 10 points ang naitala ni Kevin Alas.

-- Advertisement --