-- Advertisements --

Sinimulan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagkolekta ng buwis sa mga Philippine offshore gaming operators (POGO’s).

Sinabi ni BIR Commissioner Caesar Dulay na kanila lamang ipapatupad ang Republic Act 11590 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte noon pang Setyembre.

Nakasaad sa nasabing memorandum ang pagbabayad ng 5 percent ng gross gaming revenues (GGR) o 5 percent na napagkasunduan o alin sa mas mataas sa minimum revenues mula sa kita sa mga laro.

Pinatawan din ng 25-percent annual income tax ang mga non-gaming operations na lisensiyado base na rin sa nakasaad sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE).

Inasaahan ng BIR na makakakulekta ang gobyerno ng kabuuang P76.2 billion na buwis sa mga POGOS sa 2022 at 2023.

Binubuo ito ng P35.1-B mula sa buwis ng gross gaming revenues habang P41.2-B naman ay mula sa income taxes ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa POGO.