-- Advertisements --
Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 23 kumpanya dahil sa paggamit umano ng mga ‘ghost receipts’.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr, nasa Department of Justice (DOJ) na ang reklamo laban sa 23 corporations, 56 corporate officers at 17 Certified Public Accountants (CPA).
Gumamit umano ang mga ito ng pekeng resibo na nagresulta sa hindi pagbabayad nila ng buwis na nagkakahalaga ng P1.41 bilyon.
Sinabi ng opisyal na patuloy ang kanilang ginagawang paghahabol sa mga negosyante na gumagamit ng mga pekeng resibo para makaiwas sa pagbayad ng tamang buwis.
Tiniyak ng opisyal na patuloy ang kanilang gagawing paghabol sa mga namemeke ng resibo.