-- Advertisements --
Sinuspendi ng Philippine National Police (PNP) ang permits to carry firearms outside of residence (PTCFORs) sa buong Metro Manila dahil sa ikalawang Trillion Peso March.
Sinabi ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na magsisimula ito ngayong Sabado, Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Tanging mga miyembro ng PNP, Armed Forces of the Philippines at ilang mga law enforcement agencies na naka-duty ang papayagan na magdala ng baril.
Una ng sinabi ng PNP na magpapakalat sila ng mahigit na 15,000 para magbigay ng seguridad sa lugar dahil inaasahan na dadaluhan ito ng mahigit 300,000 na mga katao ang dadalo sa buong Metro Manila.
















