-- Advertisements --
Asahan ang malakihang rollback sa presyo ng diesel at kerosene sa unang linggo ng Disyembre.
Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na inaasahan ang P3.00 sa kada litro ng diesel ang bawas.
Ganun ang kerosene ay mayroong bawas na P3.00 sa kada litro.
Habang ang gasolina ay mayroong pagbawas ng hanggang P0.30 sa kada litro.
Ayon sa DOE na ang inaasahang rollback ay dahil sa oversupply sa global market kung saan inaasahan na aabot sa dalawang milyong bareles ng langis ang ginagawa kada araw sa susunod na taon.













