Binigyang diin ng National Bureau of Investigation na walang ibibigay na ‘special treatment’ para sa mga naarestong indibidwal kaugnay sa kaso ng flood control.
Ito mismo ang mariing inihayag ni NBI Officer-in-charge Dir. Angelito Magno habang nananatili ito sa kanilang detention facility.
Kasunod ang pahayag nang matagumpay maaresto ng kawanihan si DPWH MIMAROPA Engr. Dennis Pelo Abagon sa Quezon City.
Isa si Abagon sa mga kapwa akusado ni former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa kinakaharap na ‘malversation case’ sa Sandiganbayan.
Kung kaya’t isasailalim pa ito sa karagdagang imbestigasyon upang matukoy kung may pananagutan din ang ilang indibidwal na posibleng tumulong habang siya’y nagtatago.
Mananatili ang naarestong opisyal ng Department of Public Works and Highways sa ‘secure detention facility’ ng NBI habang hinihintay pa ang ilalabas na kautusan mula sa korteng may hawak ng kaso.
















