-- Advertisements --

Natapos na ng Senado ang deliberasyon ng panukalang 2026 national budget.

Sa huling araw ng deliberasyon ay tinalakay ng mga Senador ang panukalang pondo para sa Department of National Defense ganun din ang mga ahensiyang nakakabit dito at ang pondo ng Department of Health (DOH).

Umabot sa dalawang linggo ang pagtatalakay ng Senado sa mga pondo ng iba’t-ibang ahensiya at opisina ng gobyerno para sa susunod na taon.

Sa araw ng Lunes, Disyembre 1 ay ipagpapatuloy ng Senado na talakayin ang mga amendments o pagbabago sa 2026 budget na abot sa P6.793 trillion.