senate session zoom
-- Advertisements --

Ipinasakamay na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Senado ang 23 tax compliance ng Pharmally Pharmaceutical Corp.

Ang nasabing record ay bilang bahagi ng imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee sa pagbili ng gobyerno ng COVID-19 response mula sa Pharmally.
Hindi na isinapubliko ang nasabing mga dokumento dahil ito ay confidential.

Maaari lamang itong talakayin ng mga opisyal sa kanilang private executive sessions.

Ayon naman kay BIR Commissioner Caesar Dulay na hanggang nasasakupan nila at ito ay napapaloob sa Tax Code ay kanilang ipapatupad ang kanilang trabaho.