-- Advertisements --

Pormal ng nagsumite ang Prosekuyon ng ilan sa mga pleadings sa Senado at legal counsel ng kampo ni VP Sara Duterte kaugnay sa impeachment case na kinakaharap ng Pangalawang Pangulo.

Ito ang kinumpirma ni House Prosecution Panel spokesperson Atty. Antonio Bucoy.

Sinabi ni Bucoy na kabilang sa isinumite ng prosekusyon sa Senado ang sertipikasyon na hindi nilabag ang one-year bar rule sa paghahain ng impeachment complaint.

Isa ito sa dalawang requirement na hinihingi ng impeachment court sa Kamara matapos magdesisyon na i-remand ang articles of impeachment sa Mababang Kapulungan.

Nagsumite rin ang prosekusyon ng Manifestation kaugnay sa Entry of Appearance Ad Cautelam with re-submission of the entry of appearance of the public prosecutors.

Paliwanag ni Bucoy, kinailangan na isumite muli ang entry of appearance ng public prosecutors dahil nang isumite ito ng prosekusyon ay hindi pa nakakapag-convene ang senado bilang impeachment court.

Matatandaan na inihain ng prosekusyon sa pamamagitan ni lead prosecutor House Minority Leader Marcelino Libanan ang entry with motion to issue summons na may petsang March 14 sa Senado noong March 25.

Ang kopya ng naturang mga pleadings ay naipadala at natanggap na rin ng Fortun, Narvasa & Salazar Law Offices, na siyang legal counsel ni VP Duterte.