SEN BONG GO, UMAASANG MAKABABALIK SA TRABAHO SI SEN JINGGOY ESTRADA SA KABILA NG PANIBAGONG SUSPENSIYON
LOOPS: SEN BONG GO, JINGGOY/SANDIGANBAYAN
Ipinahayag ni Senator Bong Go ang paggalang sa desisyon ng Sandiganbayan na muling isuspinde nang 90 araw si Senator Jinggoy Estrada, ngunit umaasa siyang mabibigyan pa rin ito ng pagkakataong gampanan ang kaniyang tungkulin bilang senador.
Ayon kay Go, kinikilala niya ang kapangyarihan ng korte bilang kapantay na sangay ng pamahalaan. Umaasa rin siyang makababalik agad sa trabaho si Estrada, kabilang sa mga tungkulin nito sa Senado at impeachment proceedings.
Noong Oktubre 12, iniutos ng Sandiganbayan Fifth Division ang panibagong 90-araw na preventive suspension kay Estrada matapos magtapos ang naunang suspensiyon na ipinataw ng Second Division.
Hawak ng Second Division ang graft case laban kay Estrada kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa flood control anomaly, habang plunder case naman ang dinidinig ng Fifth Division. Itinanggi ni Estrada ang mga alegasyong nakialam siya sa mga proyekto o tumanggap ng kickback.















