CENTRAL MINDANAO- Dead on arrival sa pagamutan ang isang binata ng ito ay pagbabarilin sa siyudad ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Adsquell Mohammad Parnan,24 anyos at residente ng Barangay Bagua Cotabato City.

Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office na habang nakipag-inuman ang biktima at kumakanta kasama ang kanyang mga kaibigan sa Leoncia Delcano Street San Isidro Barangay Rosary Heights 10 ng lungsod ay bigla itong nilapitan ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang suspek at sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama.

Naisugod pa ang binata sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit dineklara ito ng mga doktor na dead on arrival.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaslang sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.