-- Advertisements --

Magdadala ng ulan simula bukas ang low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Bicol region.

Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 475 km sa silangan ng Legazpi City, Albay.

Kung ganap na lalakas bilang bagyo, bibigyan ito ng local name na “Vicky” bilang ika-22 tropical disturbance sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Maliban dito, naghahatid rin ng ulan ang tail-end ng cold front sa Southern Luzon.

Habang amihan naman ang nagdudulot ng ulan at malamig na hangin sa Northern at Central Luzon, pati na sa Metro Manila.