Nasa 20 milyong mga senior citizen at persons with disabilities ang makikinabang sa 50% fare discount sa MRT-3, LRT-1 at LRT-2.
Itoy matapos ilunsad kaninang umaga ni PBBM ang pagpapalawak ng 50% fare discount program para sa mga train lines sa Metro Manila.
Sa 20 million na bilang nasa 13 million ang senior citizen at 7million ang PWDs.
Layon ng programa mapagaan ang gastusin ng mga commuter na may limitadong kita.
Una nang ipinatupad ang programang ito para sa mga estudyante, ngunit pinalawak bilang bahagi ng social protection measures ng administrasyong Marcos.
Ayon sa Presidente malaking bagay para sa mga senior at PWDs ang diskwento.
Samantala, inilunsad na rin ngayong araw ang unang byahe ng mga Dalian train cars na binili pa noong 2014 sa China.
Ayon sa Pangulo, sampung taon na itong naka tengga at hindi agad napakinabangan.
Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, isinailalim ito sa pagsusuri at pagkumpuni upang tuluyang magamit.
Tatlong tren na may tig-tatlong bagon o kabuuang 9 cars ang unang ipapasada, habang tuloy-tuloy na tinitingnan ang iba pang Dalian cars upang magamit na rin sa operasyon.