Naitala ngayon sa Japan ang pinakamataas na bilang ng mga taong wala pang experience sa sex.

Ito ay kung saan ang mga kababaihan na nasa edad 18 hanggang 39-anyos ay virgin pa rin ay tumaas ng 24.6% noong 2015 mula 21.7% noong 1992.

Ang bilang na ito ay mas mataas sa mga lalaking nasa parehong edad kung saan 25.8% ang diumano’y ignorante sa sex kumpara noong 2015 na tumaas ng halos 20% noong 1992.

Ayon kay Peter Ueda, public health researcher sa Univerity of Tokyo, dahil umano rito ay itinuturing na ang kasong ito bilang isang national concern sa Japan.

Ito ay base sa detalyadong pagsusuri na isinagawa ng public health experts sa University of Tokyo.

Nakita rin sa nasabing pagsusuri na mas mataas ang bilang na ito kumpara sa naitala sa United Kingdom, United States at Australia, na may 1% hanggang 5% sa parehong kaso.

Ibinase ito ng mga researchers mula sa pitong national fertility surveys na isinagawa sa loob ng tatlong dekada.

Mababang pasahod at konserbatibong pag-uugali ang tinitingnan ng mga researchers na marahil ay rason umano ng pagiging ignorante sa sex ng karamihan sa mga Japanese.