Umakyat na sa 382 ang bilang ng persons under investigation na nadapuan ng novel coronavirus.

Ayon sa Department of Health (DOH) nasa 266 katao ang binabantayan na nCoV infection at nasa iba’t-ibang pagamutan na ngayon.

-- Advertisement --

Habang nasa 111 ang nakalabas na sa pagamutan.

Sa nasabing bilang ay kasama na dito ang unang tatlong kumpirmadong kaso ng novel coronavirus at dalawang indibidwal na namatay dahil sa ibang sakit.