Yokohama port japan
Yokohama port in Japan

Tatlo pang mga pasahero na sakay sa cruise ship na pinigil sa karagatan ng Japan ang panibagong nahawa na rin sa Wuhan coronavirus.

Kinumpirma ngayon ng Japanese Health Ministry na ang tatlong mga pasyente na sakay ng cruise ship na Diamond Princes ay nagpositibo na rin at agad na isinugod sa ospital.

Sa kabuuan umaabot na sa 64 na sakay sa cruise ship ang kinapitan ng deadly virus.

Ang cruise ship ay nakahimpil pa rin malapit sa pantalan ng Yokohama mula pa noong araw ng Martes.

Sa 2,600 na mga pasahero ng barko, nasa 428 ang mga Americans kung saan nasa 1,045 ang mga crews.

-- Advertisement --

Daan-daan namang mga tripulanteng Pinoy ang kasama rin sa cruise ship.

Wala pa namang report na may Pinoy seamen ang nahawa rin.

Magtatapos ang 14-day quarantine sa mga sakay ng barko sa February 19.