Bikoy Advincula
Peter Joemel Advincula alyas Bikoy when he suddenly appeared at IBP office in Ortigas

Nasa stable condition na si Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy,” matapos na isugod kanina sa PNP General Hospital.

Ayon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde, nakaramdam ng hilo si Advincula kaya mabilis itong dinala sa pagamutan.

Umabot sa 130/90 ang blood pressure nito at lubhang mataas kaysa normal na level para sa edad ng suspek.

Magugunitang ikinulong si “Bikoy” sa detention facility ng pulisya mula kahapon, makaraang sumuko ito dahil sa mga kinakaharap na usapin.

Ilan sa mga kaso nito ay estafa, habang isang negosyante ang nagpupursige ng reklamong cyber libel dahil sa mga lumabas na video na pinamagatang “Ang Totoong Narco-list.”

Note: Please click above PNP chief Gen. Oscar Albayalde audio interview

Pero giit ni Albayalde, hindi maaaring i-hold sa kanila si Advincula kung makapagpyansa na ito para sa mga kinakaharap na kaso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here