Reading Time: 1 minute
oil price adjustment

Papalo sa P3 ang bawas sa presyo ng kada litro ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Unang nag-anunsiyo ang Phoenix Petroleum Philippines ng kanilang rollback epektibo alas-6:00 ngayong gabi.

Aabot sa P2.60 ang bawas sa kada litro ng kanilang produktong gasolina at P2.70 sa kada litro ng diesel.

Ito na ang ikatlong sunod-sunod na linggong nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang rollback.

Asahan namang susunod nang magpapatupad ang iba pang kumpanya.

Karaniwang isinasagawa ang oil price adjustment sa araw ng Martes.