Ipinagmalaki ni US President Joe Biden na tuluyan ng nakabalik ang US at handa itong palakasin ang pakikipag-alyansa sa mga kaalyadong bansa.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga US troops at pamilya nila sa Royal Air Force sa Mildenhall, England sinabi ng US President na pagkatapos nitong dumalo sa G7 Summit ay makikipagpulong ito kay Russian President Vladimir Putin.

Dagdag pa nito, mangunguna ang US sa buong mundo para ipagtanggol ang kabutihan ng mga tao.

Ito ang kauna-unahang pagbiyahe sa ibang bansa ni Biden mula nang maupo sa pagkapangulo ng Amerika noong Enero.