Tinawag ni US President Joe Biden na isang epidemic ang mga nangyayaring gun violence sa US.

Ayon sa US President, dahil sa pagtaas ng kaso ng pamamaril sa US ay nagiging kahihiyan na ito sa buong mundo.

Sa kaniyang talumpati hindi nito babaguhin ang Second Amendment na karapatan ng bawat US citizen na magkaroon ng baril.

Kaniya lamang ipagbabawal ay ang paglaganap ng mga “ghost guns” o yung talamak na bentahan ng mga parte ng baril at ito ay bubuuin.

Kasabay nito ay itinalaga niya si gun contorl advocate David Chipman na mamumuno sa Alcohol ,Tobacco, Firearms and Explosives.