Naging mabunga ang pagpupulong nina US President Joe Biden at Queen Elizabeth II.
Kasama ng US President ang kaniyang maybahay na si First Lady Jill Biden.
Matapos kasi ang pagdalo ni Biden sa G7 summit sa Cornwall, England ay agad na dumiretso ang mag-asawa sa Windsor Castle.
Unang nagkita sina Biden ang Queen Elizabeth noong unang araw ng G7 summit kasama ang ilang mga lider ng bansa ng miyembro ng G7.
Nagkaroon pa ng royal welcome ng mga Honour Guard at matapos ay nagkuwentuhan sina Biden at Queen Elizabeth sa loob ng palasyo.
Tumagal ng mahigit 40 minuto ang pag-uusap ng dalawang opisyal sa loob ng palasyo.
Sinabi naman ni Biden na napag-usapan nila ang tungkol kay Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping.
Matapos ang pagbisita ni Biden sa Burningham palace ay tumuloy ito sa Brussels para dumalo sa NATO meeting at matapos ang dalawang araw ay makikipagpulong ito kay Russian President Putin sa Switzerland.