Kinumpirma ng Bureau of Immigration na muling nakalabas ng bansa si dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager at retired police colonel Royina Marzan Garma.
Ayon sa ibinahaging mensahe ng kawanihan, nakaalis si Garma kagabi, araw ng Linggo, ika-7 sa buwan ng Setyembre.
Lumipad raw ito tungo bansang Kuala Lumpur, Malaysia galing Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.
Ngunit kanilang nilinaw na siya’y lumipad palabas ng Pilipinas bilang isang turista habang siya’y nakaisailalim pa rin sa Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO simula pa noong 2024.
Dagdag pa rito’y base anila sa isinagawang beripikasyon, wala pang ‘hold departure order’ o ‘warrant of arrest’ ang inisyu laban sa kanya.
Sa kasalukuyan ay nahaharap si Garma sa reklamong ‘murder’ kaugnay sa naganap na pagpatay kay former PCSO Board Secretary Wesley Barayuga.