Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang beteranong actor na si Christopher de Leon.

SInabi nito na nagtataka siya kung paano ito nadapuan dahil hindi siya bumiyahe sa ibang bansa o may nakasalamuha na nagpositibo sa nasabing virus.

Pinayuhan din nito ang mga tao na kaniyang nakasalamuha na magpatingin sa doctor para matiyak na hindi sila nahawaan.

Maging ang kaniyang asawa na si Sandy at anak na si Mica ay ganon din ang mga kasambahay ay naka-self quarantine na rin sa bahay.

Nanawagan na rin ito sa mga fans na ipagdasal na lamang ang kaniyang mabilisang paggaling.