Barangay Ginebra
Barangay Ginebra/ PBA image

Pinatikim ng Barangay Ginebra ang unang talo ng San Miguel Beermen 129-124.

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 28 points, 14 rebounds at 14 assists.

Umabot pa sa 18 points ang naging kalamangan ng Ginebra sa 3rd quarter hanggang ito ay nahabol ng Beermen.

Nasayang naman ang nagawang 52 points ni Dez Wells.

Mayroon ng 202 win-loss record ang Gins habang mayroong apat na panalo at isang talo ang Beermen.