Nakuha ng San Miguel Beermen ang buwena manong panalo sa pagbubukas ng 45th season ng PBA matapos talunin ang Magnolia Hotshots 94-78.

Bumida sa panalo si Mo Tautaa na nagtala ng 20 points, 11 rebounds habang mayroong 18 points at 15 rebounds si Arwind Santos.

Mula sa simula pa lamang ay hawak na ng Beermen ang kalamangan, kung saan umabot pa sa 23 points sa third quarter.

Labis naman ang kasiyahan ni Beermen coach Leo Austria dahil naipanalo nila ang laban kahit wala ang kanilang most-valuable player na si June Mar Fajardo.