Tiniyak ni COVID-19 testing czar Vince Dizon na suportoda niya ang gagawing bubble league ng PBA sa Clark sa susunod na buwan.

Ayon kay Dizon na siyang namumuno sa Bases and Conversion Development Authority (BCDA), naniniwala itong maaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang nasabing proposal para sa muling pagsisimula na ng All-Filipino Cup.

Kabilang din kasi si Dizon sa grupo na nagsulong sa hosting ng PBA bubble sa Clark.

Magugunitang nagsumite na ng formal request letter si PBA Chairman Ricky Vargas sa IATF para makapagsimula na sila ng kanilang liga.