CENTRAL MINDANAO – Pinaiiral na ngayon ang preemptive lockdown sa Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay Mayor Herlo Guzman Jr., mahigpit nilang ipatutupad ang preemptive lockdown sa hangganan ng mga kalapit bayan lalo na sa Maguindanao.

Ang mga barangay na nasa preeptive lockdown ay kinabibilangan ng Sitio Malabuaya at Sitio Lumayong Barangay Kayaga, Magatos, Bangilan, Malamote, Cuyapon, Katidtuan, Sanggadong at Simone.

Ang lockdown ay mag-uumpisa ngayong araw (March 30).

Bahagi ito ng Executive Order (EO) 2020-018 ni Mayor Guzman para paigtingin pa ang kampanya laban sa banta ng Coronavirus Disease.

Tuloy-tuloy naman ang pamamahagi ng tulong ng LGU-Kabacan sa mga naapektuhang pamilya lalo na yong mga mahihirap sa nararanasang public health crisis ng bansa.