Niyanid ng magnitude 5.4 na lindol ang probinsiya ng Batanes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang lindol 4:16 a.m. na may lalim na 12 kilometers sa northeast ng Itbayat.

Matapos ang isang oras ay sinundan ito ng pagyanig na may 3.2 magnitude na may lalim na 3 kilometers na naitala sa Basco, Batanes.

Nagbabala ang Philvolcs na malaki ang posibilidad na magkaroon ng aftershocks.