Reading Time: 1 minute

Niyanig ng 4.8 magnitude na lindol ang ilanag bahagi ng extreme Northern Luzon.

Naitala ito kaninang ala-1:07 ng hapon, kung saan natukoy ang epicenter nito sa layong 46 km sa timog kanluran ng Itbayat, Batanes.

May lalim itong 25 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Matatandaang una nang niyanig ng 5.9 magnitude na lindol ang Itbayat, Batanes, kung saan walo ang naitalang binawian ng buhay.