-- Advertisements --
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 6.4 ang ilang bahagi ng Mindanao.
Ang lindol ay may lalim na 10 kilometro sa ilalim ng lupa.
Naitala ito sa layong 359 kilometro sa hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental.
Dahil sa distansya at lalim nito, inaasahang naramdaman lamang ito sa ilang bahagi ng rehiyon.
Patuloy na mino-monitor ng mga ahensyang kaugnay ang sitwasyon para sa posibleng aftershocks o epekto sa mga komunidad.
Gayunman, naitala ang epicenter sa katubigan at walang direktang epekto sa komunidad.